Sa buhay kong ito, ako’y natatanto. Di ko alam kung bkit, ngunit kulang pa rin ako. Ano kaya ang dahilan ng pagkatuliro?. Siguro’y may kulang, dito sa puso ko.=(.
Ngunit nang mapadpad ako dito, ako’y natuwa. Lalo na, nung una kang makita. O ‘miss beautiful’ na maliit, Bakit ba sayo ako’y naakit.
Naging magkabus, naging magkaibigan. Masayang nagkukulitan, at nagtatawanan. Ngunit ako’y laging may nararamdaman, Sa tuwing inaasar nila sayo’y iba ang pangalan.
Ngunit nakahanap ng tiyempo, itong si Rhyan. Nagtapat ng pagibig, sa babaeng natitipuhan. Isang araw lang ang nakalipas, sagot agad ay “oo” na. Kaya’t ang puso ko’y tumalon, sa sobrang tuwa.=)
‘Nuggetz’, ‘Liit’, at kung ano ano pa. Mga naging tawagan naming magsyota. Ngunit maraming nangyari sa aming pagsasama, Yan ang malalaman, sa susunod na linya. =)
Kami’y naghiwalay, dahil sa hindi pagkakaintindihan. At dahil doon, masyado akong naapektuhan. Ngunit pagkalipas ng ilang buwan, ako’y may natuklasan. Mahal pa namin ang isa’t isa, kaya’t kami’y nagkabalikan.=)
Bilang pagtatapos, may nais akong sabihin sayo. Pangako ko sayo, ikaw lang ang mamahalin ko. Wag ka sanang bibitiw, sa laban na ito. Dahil ikaw ay sa akin, at ako’y sayong sayo! :*.